Pangkalahatang Pahayag ng Kwalipikasyon: Ang mga taong may kapansanang intelektwal ay maaaring lumahok sa Special Olympics.
Pagkilala sa Mga Taong may Mga Intelektuwal na Kapansanan: Ang tao ay tinuturing na may intelektuwal na kapansanan para sa mga layunin ng pagdetermina sa kanyang kwalipikasyon sa paglahok sa Special Olympics kung napupunan ng taong iyon ang lahat ng mga sumusunod na inaatas:
- Karaniwang IQ score ng tinatayang 70 o mas mababa;
- Mga deficit sa pangkalahatang kakayahan sa pag-iisip na naglilimita at pumipigil sa partisipasyon at pagganap sa isa o mas marami pang aspeto ng pang-araw-araw na buhay tulad ng komunikasyon, panlipunang partisipasyon, paggana sa paaralan o trabaho,o personal na independence, at;
- Pagkakaroon ng intelektwal na kapansanan na nagumpisa sa developmental na panahon (bago ang edad na 18 taong gulang).
Ang Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM 2000) ay nilathala ng American Psychiatric Association at ang manwal ay karaniwang ginagamit ng mga propesyonal sa Canada na gumagawa ng mga development na diyagnosis.
- Inaatas ba ng mga coach/ staff ng katibayan na ang tao ay may intelektuwal na kapansanan?
Hindi, hindi humihingi ang Special Olympics sa Canada ng katibayan ng intelektuwal na kapansanan. Kung ang tao ay may kapansanan sa pag-iisip, siya ay kwalipikado na lumahok sa Special Olympics.
- Ano ang nangyayari kapag hindi nagkaroon ang bata ng pagtatasa para madetermina ang diyagnosis nila?
Ang Special Olympics sa Canada ay may inklusibong pamamaraan at hindi humihingi ng medikal na dokumentasyon para maging kwalipikado sa partisipasyon sa mga programa. Nirerekomendang imbitahan ang mga magulang/tagapagbigay ng pag-aalaga para obserbahan ang programa nang makita kung bagay ang bata sa programa. Kung sa palagay ng mga magulang ay bagay ang anak nila sa programa, maaari siyang lumahok hanggang makumpleto ang pagtatasa.
- Kung may mga atleta sa mga programa na maaaring walang IQ na mas mababa sa 70, ano ang dapat gawin ng coach/staff?
Ang mga atletang iyon na naka-enroll sa mga programa ng Special Olympics sa Canada na may IQ na mas mataas sa 70 ay nararapat na magpatuloy lumahok sa Special Olympics.
- Ano ang mga karaniwang intelektuwal na kapansanan?
Kasama sa mga intelektuwal na kapansanan ang Down syndrome at ilang Mga Autism Spectrum Disorder. Karaniwan, ang intelektuwal na kapansanan ay hindi attention deficit hyperactivity disorder, attention deficit disorder, o kapansanang matuto.
Handang sumali sa masaya nating komunidad? Makipag-ugnay sa lokal mong Special Olympics na programa sa pagsusuri sa listahan ng mga komunidad o sa pagtawag sa Opisina ng Lalawigan.
HANAPIN ANG AMING MGA INAATAS SA PAGBABALIK SA KALIGTASAN NG SPORT