"Marami akong natutunan dahil sa pagkakaugnay ko rito. Ang talagang mahalaga at ang nagpapanatili sa aking maging motivated ay ang mga atleta at mga magulang na hindi maisip ang mga buhay nila nang walang Special Olympics." –Maureen Hunter, SOBC – Campbell River Local Coordinator
Naka-link ang pahinang ito sa mga form at nilalaman sa wikang Ingles. Ang mga form sa pagpaparehistro ay kailangang makumpketo sa Ingles sa ngayon.
Ang nagbibigay-kapangyarihan na buong taunang mga programa ng Special Olympics BC at mga kumpetisyon ay hindi iiral ngayon – at maaaring hindi nalikha – kung hindi dahil sa oras, enerhiya, paninindigan, at kasabikan ng mga taong tulad mo, libo-libong mga indibiduwal na piniling maglaan ng oras mula sa mga abalang iskedyul para gawin ang mundong mas mabuting lugar. Mahigit sa 4,300 Special Olympics BC na boluntaryo at mga coach sa buong lalawigan ay ginagawang posible ang ating buong taong mga programang at gumagawa ng kaibahan.
PAKI-CLICK DITO PARA MAGBOLUNTARYO SA MGA PROGRAMANG PANG-BUONG TAON
Sino ang makakapagboluntaryo?
Hindi mo kailangan ng sport background para magboluntaryo sa SOBC. Ang kailangan mo lang ay kasabikan sa pagtulong na bigyang kapangyarihan ang mga taong may mga intelektuwal na kapansanan sa pamamagitan ng buong taong mga programa ng sport, kabataan, at kalusugan at mga kaganapan.
Bakit magboboluntaryo sa Special Olympics BC?
Maraming dahilan para maugnay, at maraming benepisyo, kabilang ang:
- Pagbuo ng pagkakaibigan at mga koneksiyon sa pag-network
- Pag-develop ng mga bagong kakayahan para sa personal at propesyonal na pag-develop
- Pagkakaroon ng mga oras sa pagboboluntaryo para sa mga programa ng paaralan
- Pagiging nauugnay sa komunidad mo
- Pagbabahagi sa pagmamahal mo sa sport
- At, higit sa lahat, maranasan ang saya ng pagtatrabaho kasama ng mga atleta natin!
Ano ang mga available na oportunidad sa pagboboluntaryo?
Makakapagbigay ka man ng ilang oras sa isang kaganapan o maugnay kada linggo sa buong taong mga programa namin, may posisyon kami para sa iyo. Maaari kang maging isang coach, assistant coach, o boluntaryo sa programa, sumali sa Lokal na Komite, at/o magboluntaryo sa isang kaganapan.
Makakagawa ka ng kaibhan sa oras at mga talento mo sa malawak na saklaw ng mga tungkulin, kabilang ang:
- Pag-coach at pagsuporta sa aming buong taunang mga programa ng sports
- Paninilbihan sa mahahalagang lokal na nag-oorganisang komite
- Pagsuporta sa mga programa na tumutulong sa mga atletng maging lider
- Pagboluntaryo sa aming mga inisyatibo sa kalusugan
- Pagtulong sa minsanang mga kaganapan sa sport, fundraising, at kabatiran
- Pagtulong na simulan ang mga programang SOBC sa bagong komunidad
- Pagbabago ng mga pag-uugali sa pamamagitan ng mga inisyatibo sa pagbabatid
PAKI-CLICK DITO PARA SA MGA DETALYADONG PAGLALARAWAN NG TUNGKULIN NG SOBC COACH AT BOLUNTARYO
Paano ako mauugnay?
Hanapin ang mga detalye ng lokal mong programa at impormasyon sa pagkontak sa aming mga pahina ng Mga Komunidad, mag-click sa form sa ibaba para ipahiwatig ang interes mo!
PAKI-CLICK DITO PARA MAGBOLUNTARYO SA MGA PROGRAMANG PANG-BUONG TAON